Thursday, November 19, 2026

Mas murang pamasahe sa eroplano, epektibo hanggang Nov. 30 kasunod ng pagbaba ng fuel surcharge

FILE

Sulitin na ang mababang airfare dahil mas tipid ang pamasahe sa eroplano hanggang November 30 matapos ibaba ng Civil Aeronautics Board (CAB) ang fuel surcharge sa Level 16 mula sa dating Level 17.

Sa ilalim ng Level 16, maaaring maningil ang mga airline ng fuel surcharge na mula ₱525 hanggang ₱1,535 para sa domestic flights, at mula ₱733.76 hanggang ₱12,891.29 para sa international flights depende sa layo ng biyahe.

Mas mababa ito kumpara sa ipinatupad na Level 17 rates noong nakaraang buwan na umabot sa ₱559 hanggang ₱1,635 para sa domestic flights, at ₱1,846.10 hanggang ₱13,726.58 naman para sa international flights.

Inaasahang makatutulong ang pagbabang ito upang mas gumaan ang gastusin ng mga biyahero sa kanilang mga nakatakdang flights bago matapos ang buwan.

Facebook Comments