DOH, nakapagtala ng higit 21,000 na kaso ng ngayong araw

71

Nakapagtala ng 21,819 na panibagong kaso ng COVID-19 ang Pilipinas ngayong araw.

Mas mataas ito kumpara sa 17,220 na kaso kahapon kung saan ito na ang pinakamataas na kaso sa nakalipas na dalawang buwan.

Dahil dito, umabot na sa 2, 910, 664 ang kabuuang kaso sa bansa kung saan 77, 369 ang aktibong kaso.


Nadagdagan naman ng 973 ang mga gumaling kaya sa kabuuan ay 2,781,424 na ang recoveries.

Samantala, sumampa na sa 51, 871 ang mga nasawi matapos madagdagan ng 129 ngayong araw.

Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 5 habang may sampung laboratoryo naman ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System.



Facebook Comments