BOQ, maghahain ng hiwalay na kaso laban kay ‘Poblacion Girl’

75

Sasampahan ng hiwalay na kaso ng Bureau of Quarantine (BOQ) si Gwyneth Chua o mas kilalang ‘Poblacion Girl’ matapos hindi sumunod sa quarantine protocol at kinalaunan ay nagpositibo sa COVID.

Ayon kay BOQ Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., nakikipag-ugnayan na ang BOQ sa legal team ng Department of Health (DOH).

Aniya, nangangalap na sila ng kaukulang ebidensya na maaaring magamit laban kay Chua.


Kabilang sa kanilang ikakaso kay Chua ang paglabag niya sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

Nilinaw naman ni Salvador na hindi kasama sa kanilang kakasuhan ang kanilang mga tauhan.

Facebook Comments