Bawas-singil sa kuryente, asahan sa Disyembre! – ERC

Good news!

May bawas singil sa kuryente sa Disyembre dahil sa pansamantalang pagtapyas sa feed-in-tariff o FIT sa electricity bill ng mga konsyumer.

Ayon kay Energy Regulatory Commission (ERC) Chairperson Monalisa Dimalanta, aprubado na ang pagtanggal sa pangongolekta ng FIT upang makatulong sa mga konsyumer sa gitna ng nagbabadyang pagtaas ng electricity bill sa susunod na taon.


Ang FIT, na katumbas ng halos P0.4 centavos kada kilowatt per hour ay bahagi ng electricity bill na napupunta sa mga plantang gumagamit ng renewable energy sources.

Dagdag pa ni Dimalanta, pag-aaralan din nilang palawigin ang suspensyon ng FIT sa Pebrero 2023.

Facebook Comments