DOH, pinasisiguro sa mga opisyal ng bilangguan na bakunado ang mga inmate at jail employees sa buong bansa

Hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang mga opisyal ng bilangguan sa bansa na siguraduhin na ang mga inmates at mga jail employees ay bakunado kontra COVID-19.

Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, hinihimok niya ang mga opisyal kasunod na rin ng ulat na nagkaroon pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City.

Dagdag pa ni Vergeire, sa nangyaring insidente, dito makikita ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask upang maiwasan ang hawaan ng COVID-19.


Sinabi pa ni Vergeire, mahalaga rin na magsagawa ng testing sa jail facilities upang agad na maihiwalay ang mga may sakit at hindi na magkaroon ng hawaan.

Tiniyak naman niya na ang DOH ay handang mag-imbestiga sa iniulat na clustering ng kaso sa NBP.

Matatandaan na iniulat ng NBP na 75 ng kanilang inmates ang na-isolate matapos na magpositibo sa COVID-19 kung saan pitong NBP personnel ang nahawaan.

Facebook Comments