Monday, July 6, 2026

PBBM, mas pipiliing humarap sa Senado kung siya ang nililitis sa impeachment trial

Kung si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nasa katayuan ng isang ini-impeach na opisyal, haharap siya sa impeachment court kahit payuhan pa siya ng kanyang mga abogado na huwag dumalo.

Ito ang naging pahayag ng pangulo kaugnay ng nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado.

Ayon kay Pangulong Marcos, mas madaling mailabas ang buong katotohanan kung mismong ang akusado ang direktang sasagot sa mga alegasyon kaysa ipaubaya ang paliwanag sa legal counsel.

Bagama’t nasa pagpapasya ng akusado at ng kanyang mga abogado kung personal itong dadalo sa paglilitis, naniniwala ang pangulo na mas magiging malinaw ang proseso kung ang impeachment court ay direktang makaririnig ng paliwanag mula sa mismong inaakusahan.

Nilinaw naman ni Marcos na personal lamang ang kanyang pananaw batay sa naging karanasan niya bilang senador-judge sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona at hindi ito dapat ituring na legal na opinyon.

Facebook Comments