
Nagtipon-tipon ang Subject Matter Experts, Consultants, at Documentors ng DSWD Parent Effectivity Service o PES Program na lumahok sa pagbuo ng EduChild sa mga module ngayong tanghali ng Sabado, July 11 sa isang event ng pasasalamat na inorganisa ng EduChild, isang organisasyon na nakatuon sa edukasyon at maayos na pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak.
Layon ng aktibidad na ipahayag ang taos-pusong pasasamat ng EduChild sa lahat ng mga lumahok sa pagbuo ng nasabing mga module, para sa PES Program ng Department of Social Welfare and Development, na libre para sa lahat ng mga mag-eenroll.
Sa pagtitipon, isa-isang pinangalanan at pinasalamatan ang mga tumulong sa pagbuo ng nasabing module, kasabay ng pagpapaliwanag kung ano ang kanilang naging ambag at mga topic na nabuo.
Samantala, isa rin sa dumalo sa nasabing event ay si Province of Bataan Governor Joet Garcia, na siyang principal author ng Republic Act 11908 o PES Law na naisabatas noong 2022, at naipapatupad na sa Bataan Province simula pa noong 2008, gamit ang unang modules na gawa ng EduChild.










