Monday, July 6, 2026

PNP, handa na para tiyakin ang seguridad sa pagsisimula ng impeachment trial ni VP Sara sa Senado ngayong araw

Handa na ang Philippine National Police (PNP) para tiyakin ang seguridad sa pagsisimula ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado ngayong araw.

Ayon kay PNP chief General Jose Melencio Nartatez Jr., inimplementa na ng PNP ang komprehensibong security plan para matiyak na ang proceedings sa Senado ay maayos at ligtas.

Nasa kabuuang 6,630 na mga pulis ang i-de-deploy para tumiyak ng seguridad sa Senado, kung saan in-activate na rin ang Special Task Group para pangasiwaan ang police operations bago, habang at pagkatapos ng nasabing proceedings.

Sa nasabing bilang ng personnel, 3,250 police officers ang dineploy sa mga pangunahing luugar sa paligid ng Senado habang 2,900 na mga Civil Disturbance Management personnel naman ang naka-standby.

Ang mga dineploy na pulis ay ipapakalat sa hilaga, harap at timog na bahagi ng J.W. Diokno Boulevard para mag-assist sa mga motorista at matiyak ang hindi pagkaantala ng nasabing aktibidad.

Naglagay na rin ng karagdagang CCTV cameras sa mga estratehikong lugar, pinal na traffic rerouting plans sa koordinasyon sa mga ahensiya at mga kalapit na ospital para sa emergency medical response.

Nakiki-usap naman si Nartatez sa publiko na makiisa sa mga ipatutupad na security at traffic arrangements ng mga awtoridad.

Facebook Comments