
Hinikayat ni House Deputy Minority Leader at Akbayan Partylist Rep. Perci Cendaña ang administrason ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglabas ng Executive Order na nagdedeklara sa July 12 bilang West Philippine Sea Victory Day.
Panawagan ito ni Cendaña kasabay ng ika-sampung anibersaryo ngayon ng ating West Philippine Sea arbitral victory.
Diin ni Cendaña, ito ay malaking tagumpay ng Pilipinas sa pagdating sa pandaigdigang polisya na dapat ay mabatid at maunawaan ng lahat ng mamamayang Pilipino.
Ang hirit na EO ni Cendaña ay kahalintulad ng ordinansang inilabas ng lokal na pamahalaan ng Palawan noong 2024 na nag-uutos ng taunang pag-obserba ng West Philippine Sea Victory Day.
Binanggit ni Cendaña na dumarami na rin ang mga LGU na may parehong ordinansa tulad ng Cebu City, Zamboanga City, Antipolo City atbp.










