Sunday, July 12, 2026

Ilang mangingisda sa Cavite, nasira ang mga bahay dahil sa epekto at Bagyong Inday —PAMALAKAYA

Nanawagan ang Fishers’ group na PAMALAKAYA para sa agarang tulong sa ilang pamilya ng mangingisda sa Cavite na apektado ng epekto ng habagat na pinagigting ng Bagyong Inday.

Ayon sa grupo, partikular na matinding naapektuhan ang mga mangingisdang nasa baybayin ng Tanza, Cavite.

Karamihan sa mga bahay ng mga mangingisda ay nasira dahil sa malalakas na alon na humagupit sa lugar.

Panawagan ng grupo, magsagawa ang lokal na pamahalaan at ang national government ng relief at rehabilitation efforts para sa mga apektadong coastal families.

Inanunsyo ng grupo na nagkasa sila ng isang kampanya upang kalampagin ang LGU at mga ahensya ng pamahalaan na magsagawa ng kongkretong emergency response and mitigation.

Facebook Comments