DOJ Sec. Remulla, may panibagong sagot kay Gen. Bantag

May panibagong hamon si Justice Sec. Crispin Remulla laban kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gerald Bantag.

Kaugnay ito ng matitinding pasabog ni Bantag laban kay Remulla.

Ayon sa kalihim, dapat harapin na lamang ni Bantag bilang isang lalaki ang mga reklamo laban sa kaniya kaugnay ng pagkakadiin nito sa Percy Lapid killing.


“No comment” naman ang naging sagot ni Remulla sa hamon ni Bantag na mag-resign na ang kalihim dahil wala na itong kredibilidad.

Una nang iginiit ng DOJ na matibay ang mga ebidensya laban kay Bantag na siyang itinuturong mastermind sa Percy Lapid killing.

Facebook Comments