
Dumepensa ang Malacañang sa mga pagbatikos kaugnay sa ginagawang paghahanda ng pamahalaan sa ASEAN Summit na gaganapin sa bansa.
Partikular ito sa mga paglilinis sa mga lansangan at pagkukumpuni lalo’t inaasahang darating ang ilang world leaders para sa summit sa susunod na linggo.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, nagsasagawa ng paglilinis para na rin sa seguridad lalo’t mga heads of state ang inaasahang dadalo rito.
Pagdating naman sa mga maaapektuhan, sinabi ni Castro na may mga inilatag na hakbang ang pamahalaan kabilang na rin sa mga inaasahang kilos protesta.
Kaugnay niyan, nanawagan ang Palasyo sa mga magsasagawa ng rally na huwag nang isabay at ipakita ang magandang ugali ng mga Pilipino.
Nauna nang binatikos ni ACT Teachers Party-list Representative Antonio Tinio ang tila pagtatago sa kahirapan sa Pilipinas dahil sa mga vendor at mga nakatira sa lansangan na inilipat at hindi muna pinapayagang magtinda dahil sa ASEAN Summit.










