Thursday, November 5, 2026

Pagbibigay ng due process kay Sen. Bato dela Rosa, hindi panangga sa paglilitis sa kaniya ng ICC

Nilinaw ni Senator Ping Lacson na ang panawagan niyang bigyan ng due process ang kasamahang si Senator Ronald “Bato” dela Rosa ay hindi para panangga sa kanyang paglilitis sa International Criminal Court (ICC).

Ayon kay Lacson, ang apela niyang bigyan ng due process si Sen. Bato ay para harapin ang kanyang paglilitis sa ICC at hindi mauwi sa karahasan o mas malala pa sa trahedya ang pag-aresto sa kanya.

Idiniin ng senador na ang due process ay isang pangunahing karapatan ng lahat ng tao kabilang na rito si Dela Rosa.

Matatandaang sinabi rin ni Lacson na mahirap ang sitwasyon ni Sen. Bato dahil ang warrant nito ay sa ibang bansa kaya mas magiging lantad ito sa panganib ng pag-aresto kung magtatago ang senador sa ibang bansa.

Mula noong May 13 matapos ang pamamaril sa loob ng Senado ay nagtago na si Dela Rosa mula sa pagaresto ng ICC.

Facebook Comments