Wednesday, November 4, 2026

Pag-recruit kay Gabriel Go sa DOTr, pabor kay Sec. Dizon

COURTESY: Gabriel Go/Facebook

Ibinunyag ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Vince Dizon na nakikipag-usap siya kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group–Strike Force Chief Gabriel Go upang hikayatin itong maglingkod sa Department of Transportation.

Ayon kay Sec. Dizon, nais niyang si Go ang mamuno sa mga estratehikong programa at proyekto ng ahensiya na nakatutok sa road sector at pamamahala sa daloy ng trapiko sa kalsada.

Ayon kay Dizon, inaasahang magbibigay ng malaking tulong ang karanasan ni Go sa pagtutok nito sa clearing operations kapag pormal na itong lumipat sa kagawaran.

Sa kasalukuyan, wala pang pormal na kumpirmasyon o pahayag si Gabriel Go kung tatanggapin nito ang iniaalok na pwesto sa DOTr.

Sinabi ito ni Dizon kasabay ng kaniyang pag-inspeksyon sa LRT-2 ngayong Miyerkules para sa trial run ng 20 bus na nagsimulang umarangkada mula Antipolo hanggang Cubao at Legarda.

Facebook Comments