Kumander na suspek sa SAF 44 Killing arestado ng CIDG BARM

108

Kinilala ng mga otoridad ang naarestong suspek na si Abu Halil aka Abuhalil Sabpa aka Commander Haraeman.
Naaresto ito habang nagpapagamot sa isang ospital sa syudad base na rin sa bisa ng Warrant of Arrest No. SA-604 – SA-638 para sa kasong Direct Assult with Murder na inisyu ni Hon. Alandrex Betoya, Acting Presiding Judge ng RTC 12th Judicial Region, Branch 15, Cotabato City noong January 25, 2017.
Pinagsanib na pwersa ng CIDG RFU-15 BAR, 6MIB,6ID,PA, Police Station 2 at Task Force Kutawato ang nagsagawa ng operasyon.
Sinasabing Battalion Commander ng 105th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front ang suspek at isinasangkot sa nangyaring insidente noong January 25 2015 sa Barangay Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.
CIDG BARMM Pic

Facebook Comments