42-ANYOS NA BABAENG NANGHABLOT NG BAG SA PALENGKE, ARESTADO SA MANGALDAN

Agad na naaresto ang isang 42-anyos na babae matapos nitong tangayin ang bag ng isang manlalako dito sa loob ng pamilihang bayan ng Mangaldan bandang alas-4 ng hapon noong Biyernes, Abril 17, 2026.

Ayon sa pulisya, abala umanong nagtitinda ang isang 69-anyos na meat vendor sa palengke nang biglang hablutin ng suspek ang bag nito na naglalaman ng cellphone at iba pang gamit.

Ayon sa paunang imbestigasyon, agad umanong namataan ng tatlong kapwa meat vendor ang insidente at hinabol ang suspek na nagresulta sa agarang pagkakaaresto nito.

Kinilala ang suspek na residente ng San Fabian, Pangasinan at nasa ilalim na ngayon ng kustodiya ng pulisya.

Dahil dito, muling nagpaalala ang Mangaldan Municipal Police Station na manatiling alerto ng hindi mabiktima ng pagnanakaw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments