Wednesday, April 22, 2026

π—œπ—¦π—¨-𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗑, π—‘π—”π—šπ—Ÿπ—¨π—‘π—¦π—”π—— π—‘π—š 𝗛𝗬𝗗π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗣π—₯π—’π—π—˜π—–π—§ π—žπ—’π—‘π—§π—₯𝗔 π— π—”π—§π—œπ—‘π——π—œπ—‘π—š π—œπ—‘π—œπ—§

CAUAYAN CITY β€” Sa gitna ng matinding init na nararanasan, naglunsad ang Supreme Student Council ng Isabela State University–Cauayan Campus ng isang hydration project para makatulong sa mga mag-aaral.
Ayon kay Darrel Daguio, SSC President, hamon sa mga estudyante ang matinding init, lalo na sa kakulangan ng access sa maiinom na tubig.
Bunsod nito, inilunsad ang Hydration for All Education Project na naglalayong magbigay ng libre at accessible na water stations sa loob ng kampus.
Ipinuwesto ang mga water station sa Campus Library, Student Center, at Gymnasium upang masiguro ang madaling access ng mga mag-aaral.
Giit ng student council, mahalagang mapanatili ang kalusugan lalo na ngayong tag-init.
Sa pamamagitan ng naturang proyekto, ipinapakita ng organisasyon ang malasakit sa kapakanan ng mga mag-aaral.
Facebook Comments