Wednesday, June 17, 2026

Banta sa seguridad ng Senado, tinitingnang konektado sa destabilisasyon ng gobyerno

Posibleng konektado sa destabilisasyon ng gobyerno ang banta sa seguridad sa Senado.

Ayon kay Acting Senate President Win Gatchalian, ito ang impormasyong ipinarating sa kanila sa pakikipagpulong sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) kung saan kasama rito sina Senators Tito Sotto III at Ping Lacson.

Tumanggi naman si Gatchalian na idetalye ang impormasyon subalit batay sa kanilang pulong kaugnay sa destabilisasyon ng gobyerno ang security threat sa mataas na kapulungan.

Inirerekomenda aniya ng AFP at PNP ang patuloy na pagpapatupad ng Senado ng heightened security measures kung saan dinagdagan ang security forces sa loob at labas ng Senado at mahigpit na ipinagbabawal din muna ang mga bisita sa loob ng mataas ng kapulungan.

Facebook Comments