
Umaasa ang mga lider ng Kamara na higit ngayong matututukan ang proseso ng impeachment laban kay Vice Presidente Sara Duterte dahil naresolba na ang gusot sa liderato ng Senado.
Pahayag ito nina House Deputy Speaker Representative Paolo Ortega V at Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong na tumatayo rin bilang House Trial Spokesperson matapos mahalal si Senator Sherwin Gatchalian bilang Senate president.
Ayon kay Ortega, dapat talagang tutukan na ng Senado ang trabaho nito kasama ang responsibilidad na iniaatas ng Konstitusyon sa pagsusulong ng pananagutan sa pamamagitan ng impeachment.
Tiwala naman si Rep. Adiong na dahil sa mga positibong mga kaganapan sa Senado ay wala nang magiging delay at iba pang mga isyu para maisakatuparan ang impeachment trial.










