
Nakikipag-ugnayan na ang Department of Energy (DOE) sa iba pang ahensiya ng pamahalaan para sa isang whole-of-government program.
Ito ay para sa pagbibigay ng ₱10 na diskwento sa kada litro ng diesel para sa mga kwalipikadong tsuper na kasali sa programa.
Ayon sa DOE, makakatuwang nila sa naturang programa ang Department of Transportation o DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Department of Information and Communications Technology (DICT), at Land Bank of the Philippines.
Sa ilalim ng naturang programa, makatatanggpa ng tinatayang ₱1,500 na fuel subsidy ang mga tsuper ng jeep.
May limit kasing 150 liters kada linggo ang naturang programa para sa mga driver ng public utility vehicle (PUV).
Sinabi ng DOE na malaki itong tulong para mabawasan ang gastos ng mga driver sa operasyon at mapanatili ang kanilang kita sa araw-araw.










