DTI, itinangging may paracetamol shortage

142

Pinabulaanan ng Department of Trade & Industry (DTI) na mayroong kakulangan ng paracetamol partikular na sa National Capital Region (NCR).

Reaksyon ito ni Trade Sec. Mon Lopez makaraang lumabas ang mga ulat na nagkakaubusan na ng paracetamol at iba pang gamot sa mga botika dahil sa kumakalat na Omicron variant.

Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Lopez na wala silang natatanggap na report hinggil sa umano’y paracetamol shortage.


Sa katunyan ani Lopez madami ang supply nito at mayroon pang generics kaya malabong magkaubusan.

Paalala pa nito iwasan mag-hoard upang hindi magkaroon ng artificial shortage ng mga gamot.

Facebook Comments