DTI, nakikipag-ugnayan na sa manufacturers kasunod ng ulat na pagtaas ng presyo ng Noche Buena items

Nakikipagpulong na ang Department of Trade and Industry (DTI) sa manufacturers.

Kasunod ito ng ulat na tumaas ang presyo ng ilang Noche Buena items.

Ayon kay Trade Secretary Alfredo Pascual, nais nilang matiyak na pasok sa kanilang price guide ang presyo ng mga bilihin.


Tiniyak naman aniya ng manufacturers na aalamin nila ang nasabing ulat.

Kabilang sa sinasabing tumaas ang presyo ng keso de bola, ham, mayonnaise, all purpose cream at iba pa.

Facebook Comments