Saturday, November 21, 2026

Grupo ng mga seafarers, itinuturing na tagumpay ang SC Ruling sa bond requirement sa ilalim ng Magna Carta of Filipino Seafarers

Malugod na tinanggap ng mga grupo ng Filipino seafarers ang desisyon ng Korte Suprema na nagdedeklarang labag sa konstitusyon ang bond requirement sa ilalim ng Magna Carta of Filipino Seafarers.

Sa joint statement ng International Seafarers Action Center (ISAC) at Concerned Seafarers of the Philippines (CSP), sinabi nilang malaking tagumpay ito para sa mga marinong matagal nang tumututol sa naturang rekisito.

Ayon kay ISAC President Atty. Edwin Dela Cruz, hindi na dapat pagbayarin pa ng bond ang mga seafarer para lamang makuha ang monetary award na naipagkaloob na sa kanila.

Bukod dito, tinalakay sa isinagawqng press conference ang iba pang probisyon ng batas na umano’y hindi pabor sa kapakanan ng mga marino.

Iginiit ng mga grupo na paunang tagumpay pa lamang ito dahil nananatili umano sa batas ang iba pang probisyong hindi pabor sa kapakanan ng mga marino.

Kabilang diyan ang kawalan ng job security at ang hindi pagkakasama ng mga mangingisda sa proteksiyong ipinagkakaloob ng batas.

Dahil dito, patuloy nilang isinusulong ang pagpasa ng isang Magna Carta na tunay na magpoprotekta sa karapatan, kapakanan at dignidad ng mga Filipino seafarers.

Facebook Comments