Dugo sa paddle na nakuha sa Aegis Juris Frat, tugma kay Atio Castillo

Manila, Philippines – Kinumpirma ng PNP-crime laboratory na kay Horacio “Atio” Castillo nga ang body fluid na nakuha sa paddle at dugo sa damit na ginamit sa initiation rite para rito.

Ayon kay Police Chief Inspector Lorna Santos, Chief ng DNA analysis branch ng PNP crime laboratory – 99.9 percent na nagtugma ang nakuhang body fluid sa paddle at dugo sa damit… na una nang nakita sa library ng Aegis Juris Fraternity sa dna sample mula sa magulang ni atio.

Kaya lumilitaw na namatay nga sa hazing si Atio.


Si Atio ay freshman law student ng University of Santo Tomas ay natagpuang bugbog-sarado noong september 17 ng umaga na nakabalot ng makapal na kumot.

Hindi na ito umabot pa nang buhay sa Chinese General Hospital.

Facebook Comments