
Kinondena ng Philippine National Police ang pananakit na ginawa ng mga raliyista sa 7 mga pulis sa nangyaring girian sa rally sa Maynila ngayong Labor Day.
Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño, ang pananakit kasama ng pagnanakaw ng selpon sa mga kapulisan ay iimbestigahan at pananagutin ang mga may sala ayon sa umiiral na batas.
Isa ang tukoy na kakasuhan kaugnay ng pananakit sa mga pulis kabilang rito ang isang raliyista na bigla na lang umanong nanuntok sa isang pulis na nagtamo ng skull and wrist injury na sya rin palang nagnakaw ng selpon ng isa pang pulis.
Ayon pa kay Tuaño, patatapusin lang ang aktibidad ngayong araw tsaka ito gagawa ng aksyon para sa nasabing mga kakasuhang indibidwal.
Kaugnay nito, generally peaceful naman ang naging assessment ng PNP sa mga naganap na rally at naipatupad ng kapulisan ang maximum tolerance sa nasabing aktibidad.










