DZXL Radyo Trabaho Team, makikilahok sa motorcade sa Taguig City

Magsasagawa ng motorcade ang Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila bukas, sabado, May 4, 2019 sa Taguig City.

 

Kasunod ito ng gaganaping jobs fair sa lunes, May 6, 2019 ng Jolly Management Solutions, Inc. Na official radio partner ng DZXL 558.

 

Ito ay gaganapin alas 10:00 ng umaga hanggang alas 5:00 ng hapon sa Vista Mall, tuktukan Taguig City.


 

Mayroon ding libreng hair cut, medical check-up, eye check-up, oral check-up at hand and foot massage sa mga makikilahok sa nasabing aktibidad.

 

Bukod dito, may food feeding program din sa mga bata.

 

Ang isasagawang jobs fair ay sa pakikipagtulungan ng Dept. Of Labor Muntaparlas and Public Employment Service Office (PESO) Taguig City.

 

Kaya naman sa trabaho mo, gusto ko happy ka! Tara na sa jolly! Apply na At sa usapang trabaho. trabaho lang, walang personalan.

 

 

Facebook Comments