Isang pribadong business group ang naglunsad ng kauna-unahang lake community sa Brgy. Baritao, Manaoag na inaasahang magpapalawak ng turismo sa bayan.
Ito ay matapos ianunsyo ni Manaoag Mayor Jeremy Agerico Rosario sa flag-raising ceremony noong Mayo 4, ang isinagawang grand launching ng naturang community residence noong Mayo 2.
Ayon sa lokal na pamahalaan, malaking bahagi ito sa pagpapahaba ng pananatili ng mga bumibisita sa Manaoag, na karaniwang dumadayo lamang.
Ipinunto rin ng LGU na posibleng magbukas ito ng dagdag na hanapbuhay para sa mga residente, mula sa paghakot nito ng mga turista hanggang sa operasyon ng mga establisimyento.
Samantala, siniguro naman ng Traffic Operations Office ang maayos na daloy ng launching.
Sa ngayon, itinuturing itong isa sa mga bagong development na maaaring makatulong sa turismo ng Manaoag. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣








