Mahigit 400,000 na empleyado sa pribadong sektor, na regular na

Aabot sa mahigit 400,000 mga empleyado sa pribadong sektor ang regular na sa trabaho sa kasalukuyang pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sa datos na inilabas ng Department Of Labor And Employment (DOLE) mula sa taong 2016 hanggang sa 2018 ay kabuuang 413,940 ang mga manggagawa na regular.

 

Sa nabanggit  na bilang, mahigit na 200,000  ang nakatanggap ng voluntary regularization o voluntaryong niregular ng kumpanya.


 

Habang sa mahigit sa 100,000 ang naregular matapos magsagawa ng inspeksyon ang dole sa mga kumpanya.

Facebook Comments