Thursday, May 7, 2026

Mga apektadong residente sa sunog na sumiklab sa Parañaque City, lumobo sa 1,800

Mga apektadong residente sa sunog na sumiklab sa Parañaque City, lumobo na sa 1,800

Idineklara nang fire under control ng Bureau of Fire Protection o BFP ang sunog na sumiklab sa Barangay San Antonio, Valley 1, Parañaque City.

Ayon kay BFP Parañaque Fire Marshall FSupt. Liher Barrios, dakong alas-5:50 kanina nang ma-control ang sunog na sumiklab pasado alas-11:00 kagabi.

Aniya, itinaas pa ito hanggang sa Task Force Alpha kaninang madaling araw.

Sa ngayon, umabot na sa 1,800 ang apektado ng sunog na karamihan ay nasa evacuation center.

Patuloy pa ring inaalam ng BFP ang pinagmulan ng sunog at kung ilang istruktura ang napinsala kasama na ang cost of damage.

Facebook Comments