Philadelphia 76ers, inilampaso ang Toronto Raptors sa game 3 ng semifinals ng NBA Eastern Conference

Malaking tulong ang 33 points ni Philadelphia 76ers player Joel Embiid para tambakan at manalo laban sa Toronto Raptors sa game 3 nang nagpapatuloy ng semifinals ng NBA Eastern Conference, 116 – 95.

 

Habang nabaliwala ang 33 points din ni Raptors player na si Kawhi Leonard.

 

Ayon kay 76ers Coach Brett Brown – mas gusto niyang tumutok sa depensa ngayong semifinals para mas mahirapan ang kalaban sa pagpasok ng bola sa ring.


 

 

Sa ngayon, nangunguna na ang 76ers na may 2 -1 win loss card habang 1 -2 win loss na ang Raptors.

 

Gaganapin ang 76ers – Raptors game 4 sa lunes, Mayo 6, oras sa Pilipinas.

Facebook Comments