Thursday, May 7, 2026

50 PDLS SA URDANETA CITY DISTRICT JAIL, SUMABAK SA ROAD SAFETY SEMINAR NG LTO REGION 1

Nasa kabuuang 50 persons deprived of liberty (PDLs) ang nakibahagi sa Road Safety Awareness Seminar na isinagawa ng Land Transportation Office (LTO) Region 1 sa Urdaneta City District Jail noong Mayo 6, 2026.

Ayon sa ulat, tinalakay ang ilang road safety topics kabilang ang defensive driving, traffic signs and signals at mga umiiral na batas sa mga regulasyon sa trapiko.

Binigyang-diin ng ahensya ang disiplina at pagsunod sa batas para sa kaligtasan sa kalsada.

Ayon sa LTO Region 1, bahagi ang naturang seminar ng information and education campaign sa iba’t ibang sektor sa rehiyon, kabilang ang mga institutional at correctional facilities.

Matatandaang noong 2024, nagsagawa rin ang LTO Region 1 ng mga defensive driving at road safety seminars para sa BJMP personnel at iba pang sektor sa Ilocos Region na bahagi pa rin ng kampanya ng ahensya para sa road safety education. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments