Ikinatuwa ng Public Employment Service Office (PESO) ang muling pagbabalik ng DZXL Radyo Trabaho team na pinangungunahan ni Station Manager Buddy Oberas, Anchor Ramcy Tirona, RT Head Lou Panganiban, RT Coordinator Glen Del Rosario, Digital Derwin Capungcol, Pilot Earl Saludar at DZXL Reporter Rambo Labay sa PESO Taguig makaraang natigil ng dalawang taon ang nakalilipas dahil sa pandemya.
Ayon kay Taguig PESO Manager Norman Mirabel, mayroon silang mini job fair sa buwan ng Agosto maliban sa sa lingguhang job fair na isinasagawa ng PESO.
Dagdag pa ni Mirabel na nagtururo din sila ng livelihood program gaya ng paggawa ng basahan, at kapag hindi umano naibenta ng PESO ay siyang bibilhin lahat ng mga basahan at bag na ibinibenta sa halagang ₱300.
Ang mga tinuturuan ay karamihan ay mga ginang ng tahanan at mga senior citizen.
Paliwanag ni Mirabel na kapag ang problema naman nila ay mga materyales walang dapat na ipangamba dahil sagot na ng PESO ang mga materyales na kanilang binibili sa Taytay, Rizal.
Binigyang diin pa ni Mirabel na umaabot sa 123,967 ang mga trabahong nahanap ng PESO para sa mga residente ng Taguig City, habang 28,163 naman ang nabigyan ng trabaho, 3,862 naman ang mga nasanay at 169 ang isinagawang face-to-face job fair ng PESO at ang mga lumahok ng face-to-face Career Coaching Program ay umaabot sa 16,190.