Nilinaw ng San Jacinto Municipal Police Station (MPS) na hindi nakaapekto ang naganap na komosyon sa gitna ng pagdiriwang ng “Kalutan ed Dalan” sa San Jacinto, Pangasinan noong Abril 12, 2026, sa kanilang inisyal na pahayag na ‘generally peaceful’ ang aktibidad.
Matatandaang umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens ang kaguluhan na kinasangkutan ng ilang indibidwal habang idinaraos ang pista sa bayan.
Ayon sa ulat ng pulisya, nag-ugat umano ang insidente sa isang maliit na hindi pagkakaunawaan na nauwi sa kaguluhan.
Agad namang rumesponde ang mga kapulisan katuwang ang mga force multipliers at naawat ang mga sangkot, na kalaunan ay dinala sa himpilan.
Nilinaw ng ahensya na sa kabila ng insidente, nanatiling generally peaceful ang kabuuang pagdaraos ng “Kalutan ed Dalan,” dahil natapos umano ang programa ayon sa planong inilatag ng lokal na pamahalaan.
Ayon pa sa pulisya, ang naganap na komosyon ay isa lamang umanong isolated case at hindi nakaapekto sa kabuuang pagdiriwang ng pista sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










