Sunday, May 10, 2026

Pagsasaayos ng bahagi ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet na nasira ng bagyo noong nakaraang taon, magsisimula bukas —DPWH

Magsisimula na bukas ang pagsasaayos ng gumuhong bahagi ng Marcos Highway sa Tuba, Benguet.

Ito ay matapos masira ang kalsada dahil sa pananalasa ng Super Typhoon Nando noong nakaraang taon.

Ayon sa Department of Public Works and Highways, alinsunod na rin umano ito sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na madaliin ang pagsasaayos ng nasirang kalsada.

Sinabi ni DPWH Secretary Vince Dizon na kailangang maayos agad ito lalo’t nananatiling mapanganib ang daan at nagpapabagal din sa biyahe ng mga motorista kabilang na ang mga turista.

Maaari din aniyang mas masira panito pagpasok ng tag-ulan kung hindi pa agad maisasaayos.

Ayon sa kalihim, target nilang matapos ang pagkukumpuni sa loob ng tatlo hanggang apat na buwan.

Facebook Comments