Sunday, May 10, 2026

VP Sara Duterte, kinilala ang mga sakripisyo ng mga ina ngayong Mother’s Day

Kinilala ni Vice President Sara Duterte ang mga sakripisyo ng mga ina ngayong pagdiriwang ng Mother’s Day.

Pinaurihan ng bise presidente ang kahalagahan ng lahat ng ina, mula sa mga nag-aalaga sa tahanan hanggang sa mga Pilipinang nagtatrabaho sa ibang bansa.

Sa kanyang mensahe, binigyang pugay ni Duterte ang hirap na dinaranas ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) mothers na malayo sa kanilang pamilya upang matustusan ang pangangailangan ng mga ito.

Binigyang halaga din niya ang mga ina bilang unang guro ng mga anak na nagpapalakas sa matibay na pundasyon ng bawat pamilyang Pilipino.

Facebook Comments