
Ayon kay TINGOG Party-list Rep. Jude Acidre, nasa 200 o 2/3 ng 318 mga kongresista ang inaasahang susuporta sa impechment laban kay Vice President Sara Duterte.
Sabi ni Acidre, base sa kanilang monitoring ay hindi na bababa sa 180 at posibleng umabot sa 215 ang boboto pabor sa pagpapa-impeach kay VP Sara.
Diin ni Acidre, ang pagsuporta ng nakakaraming mga kongresista sa impeachment ay matapos lumabas sa impeachment hearings ang mga ebidensya sa mga alegasyon na nakapaloob sa impeachment complaints.
Naniniwala si Acidre, na yung mga nagdadalawang-isip pa noong una ay naliwanagan at nakumbinsi na may basehan ang mga akusasyon laban kay VP Sara at may batayan para tuluyang maipadala sa Senado ang Articles of Impeachment.
Tiwala si Acidre na ang mga kasamahan nyang mambabatas ay magpapasya base sa mga ebidensya, katwiran at ikabubuti ng bansa.










