Wednesday, May 6, 2026

Dating Speaker Martin Romualdez, dating Cong. Zaldy co, ilang mga kasalukuyan at dating senador, kasama sa inirerekomendang maimbestigahan para sa pagsasampa ng mga kaso

Inirerekomenda ng Senate Blue Ribbon Committee (BRC) para sa masusing imbestigasyon at sa posibleng pagsasampa ng kasong kriminal ang ilang mga kasalukuyan at dating opisyal na nakakaladkad sa maanomalyang flood control projects.

Hindi man naisa-isa ni Senate BRC chairman Ping Lacson sa talumpati ng Chairman’s Progress Report ang mga pangalan ng mga rekomendadong pakasuhan pero habang nagsasalita ang senador ay may mga ipiniprisinta itong slides.

Mababasa sa slides na kasama sa ipinasasailalim sa preliminary investigation, fact finding o case build up para sa Plunder, Direct Bribery, Malversation of Public Funds at Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards ang mga sumusunod:

1. Dating Cong. Zaldy Co;
2. Dating Sen. Bong Revilla Jr.;
3. Senator Jinggoy Estrada;
4. Senator Joel Villanueva;
5. Sen. Chiz Escudero;
6. Dating Speaker Ferdinand Martin Romualdez;
7. Dating Congresswoman Mary Mitzi Mitch Cajayon Uy at
8. Dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Dagdag pa rito:
9. Mga tinaguriang intermediaries – dating DepEd Usec. Trygive Olaivar, negosyanteng si Maynard Ngu, at kabilang ang mga tauhan umano ni Zaldy Co na sina John Paul Estrada at Mark Ticsay;
10. mga kontratista na kinabibilangan ng mag asawang Pacifico at Cezarah Discaya at
11. DPWH officials sa Bulacan First District Engineereing Office at Oriental Mindoro.

Nakapaloob din sa report ang rekomendasyon para sa bank inquiry at pagfreeze ng mga assets.

Samantala, sa talumpati pa ni Lacson bilang tugon sa mga pamumuna sa kanya ni Senator Rodante Marcoleta na kasama si dating Speaker Romualdez sa inimbitahan sa imbestigasyon ng dalawang beses pero dahil sa interparliamentary courtesy ay hindi mapipilit na humarap habang si Co naman ay pinasubpoena at pina-Show Cause Order (SCO) rin subalit no show pa rin sa pagdinig.

Facebook Comments