Thursday, June 25, 2026

Ex-Sen. Trillanes, nagsampa ng reklamong cyberlibel vs. Sen. Alan Cayetano at Sen. Marcoleta sa DOJ

Nagsampa ng reklamong cyberlibel si dating Senador Antonio Trillanes IV sa Department of Justice (DOJ) laban kina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Rodante Marcoleta.
 
Kaugnay ito ng umano’y hindi awtorisadong pagdinig ng Senado, partikular ng “Blue Ribbon hearing” ng Cayetano Bloc noong Hunyo 4, isang araw matapos maghalal ng bagong liderato ang Senado.
 
Ayon kay Trillanes, isinama niya sa mga inireklamo ang dalawang senador dahil wala umanong parliamentary immunity ang mga ito.
 
Bukod kina Cayetano at Marcoleta, muli ring inireklamo ni Trillanes ang 18 indibidwal na nagpakilalang dating bodyguards ni Zaldy Co.

Facebook Comments