Thursday, June 25, 2026

ADMU, ibinahagi ang maayos na pag-uwi sa Nigeria ng labi ni Adili

Inanunsyo ng Ateneo de Manila University (ADMU) na dumating na sa Nigeria ang labi ng basketball player na si Divine Adili.
 
Sa Facebook page ng unibersidad, ibinahagi nito na ligtas nang naiuwi sa kanilang tahanan sa Lagos ang labi ni Adili.
 
Kabilang sa mga sumama sa paghahatid ng labi ni Adili ang kinatawan ng Ateneo de Manila University na si Fr. Sigmund “Munching” de Guzman.
 
Nagpasalamat naman ang Ateneo de Manila University (ADMU) sa Nigerian Embassy sa Manila, partikular sa consul nito, na nagkaloob ng kaukulang tulong upang maibalik sa Nigeria nang may dignidad ang labi ng Ateneo athlete.

Si Adili ay kasama ni Rene Baterbonia nang sila ay malunod sa isang team-building activity sa Dipaculao, Aurora.

Facebook Comments