Wednesday, June 24, 2026

Prepaid Load Forever Act, isinusulong ni Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima sa Kongreso

Nais ni Mamamayang Liberal (ML) Rep. Leila de Lima na may “forever” sa mga prepaid load ng mga prepaid subscribers.

Kasunod ito ng inihaing ni De Lima na House Bill 9903 o Prepaid Load Forever Act.

Sa ilalim nito, ipinatatanggal na sa lahat ng public telecommunication entities ang expiration ng prepaid load credits.

Ipagbabawal na rin ang pagbawi o pagkumpiska sa mga natitirang load ng aktibong accounts nang walang sapat at balidong rason.

Ayon kay De Lima, hindi makatwiran at lugi ang consumers dahil may expiration dates ang prepaid load na binili na nila at pagmamay-ari na nila.

Giit ni De Lima, dapat pinoprotektahan ng telecom companies ang karapatan ng consumers at huwag magsamantala para lamang kumita.

Ang panukala ay may counterpart version na sa Senado na isinusulong ni Senate Pres. Sherwin Gatchalian.

Facebook Comments