Tuesday, June 23, 2026

17 Chinese vessels, namataan sa WPS nitong nagdaang linggo

Nakapag-monitor ang Philippine Navy ng 17 mga barko ng China sa West Philippine Sea (WPS) nitong nagdaang linggo, June 16 hanggang 22 ngayong taon.

Kung saan mas mababa ang bilang na ito kumpara sa 26 na namataang mga Chinese vessels noong nakaraang linggo.

Sa Ayungin Shoal, nakapag-monitor ng 4 na Chinese Coast Guard Vessels (CCGV) at sa Bajo de Masinloc naman ay namataan ang 4 rin na Chinese Coast Guards at 5 Philippine Liberation Army Navy (PLAN) ships.

Sa Pag-asa Islands naman ay namataan ang isang CCGVs at 3 PLAN habang wala namang na-monitor na mga barko ng China sa Escoda Shoal.

Tiniyak naman ng AFP na patuloy ang kanilang pagbabantay sa pambansang teritoryo ng bansa lalo na sa 4 na maritime features sa West Philippine Sea.

Facebook Comments