
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan ng Philippine Embassy sa Bogota ang sitwasyon sa Venezuela.
Kasunod ito ng dalawang malakas na lindol na tumama sa northern coast ng nasabing bansa.
Nilinaw naman ng DFA na sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na report na may mga Pilipinong nadamay sa lindol.
Sa kabila nito, nakikipag-ugnayan na rin ang Philippine Embassy, sa mga Pinoy sa capital, Caracas, sa Barinas City.
Pinayuhan din ng embahada ang naturang mga Pinoy na lumikas muna sa ligtas na lugar at i-monitor ang local news para sa updates.
Facebook Comments










