FIBA | Coach Guiao, aminadong hirap pumili ng mga players para sa final line-up ng Team Pilipinas

Manila, Philippines – Aminado si Team Pilipinas Head coach Yeng Guiao na nahihirapan siyang pumili ng mga players na bubuo sa 12-man pool para sa fifth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Ayon kay Guiao, lahat kasi ng kasama sa inisyal na 20-man pool na kanilang isinapubliko ay pawang mga dekalibre at mga talentadong players.

Kaya naman sinabi ni Guiao na hindi lamang manggagaling sa kanya ang desisyon dahil ang coaching staff din ang siyang mag-aaral at magbibigay ng komento at suhestiyon hinggil sa bubuo ng national team.


Pagpapasyahan din nila ang final roster pagkatapos ng huling dalawang tune-up games nila kontra sa Lebanon sa Nobyembre 23 at 25.

Facebook Comments