Filipino community sa Ukraine, kumpiyansa sa proteksyon ng Ukrainian Army

Kumpiyansa ang mga naiwang Pilipino sa Ukraine na kaya silang protektahan ng militar ng Ukraine.

Ayon sa Filipino community doon, minsan nang napatunayan na malakas ang pwersa ng mga sundalo ng Ukraine at gagawin muli nito ang lahat ng kanilang makakaya para protektahan ang lahat ng mga naninirahan doon.

Hindi rin anila matatawaran ang kakayahan ng Ukraine sa pagtatanggol sa kanilang Kalayaan.


Sa kabila nito, pinapayuhan ng Filipino community ang kanilang mga kapwa Pinoy sa Ukraine na mag-imbak ng malinis na inumin tubig, gayundin ng mga kandila at flashlight.

Dapat din aniyang tiyakin na matulog sa pinakaligtas na parte ng kanilang bahay o sa basement.

Dapat ding may hawak silang euros o US dollars na currencies at tiyaking fully-charged lagi ang mga cellphones at laptops.

Facebook Comments