Tuesday, November 10, 2026

Voter’s registration para sa 2028 elections sa Luneta, dinagsa ng mga estudyante

Sa kabila ng pabago-bagong lagay ng panahon, umarangkada na ang siyam na buwan na registration para sa mga nais makaboto sa National at Local Elections sa 2028

Bukod sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa iba’t ibang lungsod at bayan, satellite at mall registration sites, isasagawa rin ang voter’s registration sa ilang piling lugar tulad sa Rizal Park.

Bahagi ito ng Special Register Anytime Anywhere Program ng COMELEC kung saan maaaring magparehistro o magpaayos ng kanilang registration maging ang mga botante mula sa iba’t ibang mga lalawigan

Tatagal hanggang sa Huwebes ang special registration dito sa Rizal Park kung saan unang target na maiproseso ng aplikasyon ang 300-400 aplikante pero pumapalo na ng higit 1,000 ang nakapila at nais makapagparehistro.

Karamihan sa mga nagtutungo dito ay mga estudyante mula sa ilang unibersidad at paaralan na malapit sa Rizal Park kung saan kwento ng ilan sa kanila, nire-required sila na makapagpa-rehistro para sa kanilang pag-aaral.

Isang valid government ID lamang at photocopy ang kailangan para makapagparehistro bagamat hindi tinatanggap ang barangay ID o certification at cedula

Hindi naman kasama ang Batanes at Naga City sa registration ngayong buwan dahil sa magkahiwalay na special elections na magaganap sa nasabing mga lugar ngayong Nobyembre.

Emman Mortega, RMN Manila

Facebook Comments