
Hindi katanggap-tanggap para kay House Assistant Minority Leader at Gabriela Women’s Party Representative Sarah Elago ang fishing ban na ipinapatupad sa 21 komunidad sa Zambales mula April 26 hanggang 29 upang bigyang-daan ang Balikatan exercises.
Diin ni Elago, ito ay dagdag pahirap sa mga apektadong komunidad sa gitna ng krisis sa langis at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Paliwanag ng mambabatas, hindi lamang mga mangingisda ang tinatamaan ng fishing ban kundi pati mga vendor, drayber, at iba pang umaasa sa galaw ng lokal na ekonomiya.
Bunsod nito, umaapela si Elago sa administrasyon na agad itigil ang Balikatan exercises at ibasura ang mga kasunduang nagpapahintulot sa mga dayuhang puwersa na magsagawa ng military activities kahit naaapektuhan ang kabuhayan ng mga mamamayan.










