
Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga nakatakdang petsa para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa September 14, 2026.
Sa nasabing schedule, hanggang April 29, 2026 lamang maaaring magsagawa ng party conventions ang mga regional parliamentary political parties at koalisyon upang pumili ng kanilang mga opisyal na kandidato.
Itinakda naman sa April 30 ang huling araw ng pagsusumite ng sworn list ng authorized signatories na may specimen signatures.
Mula May 5 hanggang 7, isasagawa ang paghahain ng certificates of candidacy para sa parliamentary district representatives, gayundin ang pagpapasa ng consolidated list of nominees ng mga koalisyon.
Sa May 7 rin ang deadline ng pagsusumite ng official logos ng mga partido at mga larawan ng kandidato
Ilalabas naman sa May 13 ang tentative list ng mga kandidato, habang hanggang May 18 lamang maaaring maghain ng request para sa pagwawasto ng mga clerical o typographical error sa pangalan na lalabas sa balota.
Sa kabuuan, iginiit ng COMELEC ang mahigpit na pagsunod sa mga deadline bilang paghahanda sa kauna-unahang parliamentary elections sa rehiyon.










