
Nanawagan si Robin Padilla na sundin ang tamang proseso at huwag madaliin ang impeachment proceedings laban kay Sara Duterte.
Ayon kay Padilla, walang hakbang sa proseso ang dapat malaktawan at kailangan itong dumaan sa plenaryo ng House of Representatives of the Philippines bago maiakyat sa Senado.
Ipinunto ng senador na kung lalaktawan ang proseso, wala umano itong patutunguhan at masasayang lamang ang oras at pera ng taumbayan.
Kinuwestyon din ni Padilla kung ang impeachment laban kay Duterte ba ang tunay na solusyon sa mga problema ng bansa.
Dagdag pa ng mambabatas, nagmumukha nang teleserye ang politika dahil sa dami umano ng scriptwriter at artista, kasabay ng panawagang huwag kalimutan ang tunay na suliranin ng bayan.
Facebook Comments










