Wednesday, April 22, 2026

Partnership para sa pagsusulong ng bio-fuel sa bansa, pinagtibay ng DOE at US Grains Council

Pinagtibay ng Department of Energy (DOE) at US Grains Council ang kanilang partnership para sa pagsusulong ng bio-fuel sa Pilipinas.

Ito ang pinag-usapan sa pakikipagpulong ni DOE Undersecretary Alessandro O. Sales sa U.S. Grains Council (USGBC).

Layon ng pagpupulong na palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa para sa pagpapaunlad sa biofuels sector sa bansa.

Naging sentro ng discussion ang tuloy-tuloy na suporta ng USGBC sa bansa sa pamamagitan ng technical assistance at capacity-building initiatives maging ang policy support, feedstock development at ang paghahanda para sa mas mataas na ethanol blending targets.

Tiniyak naman ng DOE na tuloy-tuloy ang pagpapaganda nila sa energy security at ang pagsusulong sa paggamit ng biofuels sa pamamagitan ng international partnerships.

Sa Pilipinas, iminamandato ang biofuel blending gamit ang coconut oil para sa biodiesel at sugarcane sa bioethanol.

Facebook Comments