
Iginiit ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na walang basehan ang mga reklamong inihain laban sa kanila ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon kay Roque, walang anumang nangyaring pag-iisyu ng shares at naisumite nila ang lahat ng tax returns alinsunod sa batas.
Sinampahan ng BIR ng willful attempt to evade taxes at failure to file tax returns sa ilalim ng National Internal Revenue Code of 1997 sina Roque at kanyang asawa, kabilang ang legal counsel nilang si Percival Ortega, sa Department of Justice (DOJ) kahapon.
Ayon sa BIR, ito ay dahil umabot sa mahigit P3.35 million ang kanilang hindi nabayarang buwis at mga kalakip na interes.
Ngunit sinabi ni Roque na bahagi lamang ito ng patuloy na pamumulitika at harassment dahil kaalyado umano sila ng mga Duterte.
Sa ngayon, sinabi niyang gagamitin nila ang lahat ng legal remedies at kumpiyansa ang kanilang kampo na wala silang nilabag na batas.










